Website ng Palarong Pambansa, bumigay dahil sa over capacity ng mga nanood ng live video streaming

Hindi inaasahan ng Social Media Center ng Pangasinan ang bilang na 2.5 million hits kung kaya’t bumigay ito dahil sa over capacity.

Bunga nito, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin maayos ang website ng palarong pambansa 2012 dahil umano sa dami ng mga nagbubukas nito.

Una rito, ipinagmalaki ng Provincial Government na magiging high-tech ang pagko-cover sa palarong pambansa kung saan maaari itong mapanood sa pamamagitan ng live streaming, subalit dahil sa dami ay hindi ito nakayanan.

Gayunpaman, tiniyak ng mga opisyal na kanilang aayusin ang site nang mapanood ang mga game events. (Benjie Lagazo – Dzrd Newscenter)

Speak Your Mind

*