100 pamilya na Informal Settlers sa Lingayen, posibleng mai-relocate

Tinatayang aabot sa mahigit 100 pamilya na Informal Settlers sa bayan ng lingayen ang posibleng ire-relocate ayon sa Provincial Housing and Urban Development Program.

Kabilang sa mga makikinabang sa proyekto ng provincial government ay ang brgy. Tonton na nasa tabing ilog at brgy. Poblacion na nasa likod ng provincial jail.

Ayon kay Engr. Alvin Bigay, ang pinuno ng Provincial Housing and Urban Development Program, magkaroon muna sila ng occular inspection at profile assestment kaugnay sa mga makakatanggap ng housing program bago ito ilipat sa Brgy. Pangapisan.

Dagdag pa ni Engr. Bigay, tinatayang 250 units na pabahay ang ibibigay sa mga masuwerteng makakatanggap ng libreng pabahay. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*