Anti-Drug Abuse Council ng Dagupan, mas pinalakas

Mas pinalakas pa ng lokal na pamahalaang panlungsod ng Dagupan ang pagbabantay laban sa iligal na droga kasunod ng pagpapatibay ng isang memorandum circular na ipinalabas ni DILG Sec. Jesse Robredo sa pamamagitan ng pag-reorganize sa Anti-Drug Abuse Council ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Benjie Lim bilang Chairman.

Kasabay nito, itinalaga din ni Mayor Lim bilang Council Vice-Chairman ang Chief of Police at mga miembro nito na City Schools Division Superintendent, ang City Prosecutor, City Social Welfare and Development Officer, City Health Officer, City Information Officer, Non-Governmental Organizations at isang kinatawan mula sa Religious Sector.

Laman ng nasabing memorandum, ang constitutional mandate ng gobyerno upang mai-improve ang moral ng publiko at mapanatili ang mapayapa at maayos na komunidad. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*