Bloodletting Activity, isasagawa ngayong araw sa Pangasinan Training and Development Center

Isasagawa ngayong araw ng Miyerkules, June 20, ang blood-letting activity sa Pangasinan Training and Development Center sa bayan ng Lingayen Pangasinan na pangungunahan ng Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO).

Ayon kay Dr. Anna Ma. Teresa S. De Guzman, ang hepe ng PHO, layunin ng nasabing aktibidad na makamtan ang National Government’s Millennium Development Goal upang mabawasan maternal mortality sa pamamagitan ng sapat at de kalidad na supply ng dugo para sa mga buntis na ina at post-partum mothers,

Layunin din umano ni na makalikom ng mas maraming dugo para sa mga magiging biktima ng dengue sa lalawigan.

Kasabay nito, hinihikayat ni Dra. De Guzman ang lahat ng mga qualified donors na suportahan ang nasabing proyekto. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*