Collapsed Structure Search and Rescue Training ng Dagupan, sinimulan na

Sinimulan na kahapon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng Dagupan, ang “collapsed structure search and rescue training” at magpapatuloy sa araw na ito hanggang sa araw ng Huwebes sa BSL Hall ng Department of Education Division Office dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay City Administrator and Council Executive Director Vladimir Mata, ang lindol, tsunami at kalamidad ay mangyayari kaya kailangang handa ang lahat para sa mga inaasahang mangyayari.

Ang mga piniling participants ay mula sa component government offices ng lungsod, barangay councils at partner volunteer groups.

Isasagawa ng nasabing pagsasanay ng Makati City Urban Search and Rescue (USAR) Team sa pamumuno ni Hector Reyes mula sa lungsod ng Makati. (DZRD Newcenter)

Speak Your Mind

*