Independence Day Jobs Fair, aarangkada ngayong araw sa Nepo Mall – Dagupan

Itinakda ngayong araw at bukas, araw ng Miyerkules, ang Independence day Jobs Fair na gaganapin sa Nepo Mall dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa Department of Labor and Employment Regional Office 1, magsisimula ang nasabing Jobs Fair alas nuebe ngayong umaga na may kabuuang tatlong libo, anim na raan pitumpu’t pitong trabaho dito sa bansa ang naghihintay para sa mga interesado at kwalipikadong manggagawa na iniaalok ng labing anim na kumpanya.

Samantala, mahigit dalawang libong trabaho naman ang naghihintay sa mga aplikanteng nais magtrabaho sa ibang bansa.

Pinapayuhan ng DOLE ang mga aplikante na dalhin ang mga kailangang dokumento kagaya ng resyumey at iba pang credentials. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*