Maruming tubig ng Binmaley Water District, isang isolated case

Isolated Case lamang umano ang nangyaring problema sa Binmaley Water District na kung saan may mga resedente sa ilang Barangay na nagrereklamo dahil marumi at parang may kitikite ang tubig na lumalabas sa gripo.

Sinabi ni General Manager Engr. Mariano Gonzalo, na nasira ang bintilador ng isa sa mga tangke na pinag-iipunan ng tubig kung kayat nakapasok ang lamok at nangitlog sa tubig na agad naman daw itong nalinisan.

Ayon pa kay Gonzalo, ligtas ang tubig sa Binmaley Water District dahil meron silang ginagawang bacteriological test kada buwan upang mamonitor ang kaledad ng tubig.

Ipinaliwanag pa ni Gonzalo kung bakit medyo dilaw ang isinusuplay na tubig ng Binmaley Water District dahil epekto umano ito ng mga nabubulok na bagay na nakadiposito sa mga aquifer ilang libong taon na ang nakakaraan.

Samantala, nananatili pa rin sa P185 ang minimum kada buwan ang sinisingil ng Binmaley Water District sa kunsomomg mula zero hanggang sampung cubic meters. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*