Mosquito Fish, makakatulong umano sa pagsugpo ng sakit na dengue

Naging epektibo umano sa pagkontrol ng sakit na malaria sa bansang Russia ang isdang kataba o kilala rin sa tawag na Mosquito Fish.

Ito ngayon ang nakikita ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Dr. Wesley Rosario, na makakatulong sa pagkontrol ng pagdami ng sakit na dengue sa bansa dahil sa kumakain ito ng larva ng lamok.

Sa loob umano ng isang araw ay isang gramo ng larva ng lamok ang nakakakain ng isdang kataba kaya makakatulong daw ito sa pagsugpo ng pagdami ng sakit na dengue sa Pilipinas. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*