National Disaster Consciousness Month, pinaghahandaan na ng PDRRMC ng Pangasinan

Nakatakdang isagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga ibat ibang aktibidad kung saan itatampok dito ang importansya ng disaster risk reduction and management.

Ito ay bahagi sa pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month na magsisimula sa July 9 sa Capitol Plaza sa bayan ng Lingayen o kaya sa Narciso Ramos Sports and Civic Center depende sa lagay ng panahon.

Sinabi ni Ret. Col Fernando de Guzman, Officer-in-Charge Executive Officer ng PDRRMC ang mga aktibidad ay kinabibilangan ng paglalagay ng NDCM streamers sa Capitol Complex, pagsasagawa ng tsunami drill sa barangay Tobuan, Labrador sa buwan ng Hulyo, at ang patuloy na implementasyon ng massive clean-up and dredging operations sa mga ilog ng pangasinan.

Isasagawa din ang Public Information Drive at Seminar ng San Roque Power Corporation at Pag-asa bilang bahagi ng Emergency Action Plan ng San Roque Dam. (Roger Codnita – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*