Product Exhibit, nagpapatuloy sa City Museum kasabay ng Agew ng Dagupan

Magpapatuloy ngayong araw ng Huwebes ang product exhibit sa City Museum ng lungsod ng Dagupan.

Ito ay bahagi ng inilunsod na “Dagupan Best Barangay Products and Livelihood Program’ ng City Government.

Ayon kay Dagupan City Investment Promotion Officer Deborah Castillo, layunin ng programa na tulungan ang mga Dagupenyo sa pamamagitan ng pagpapalago, pagpapabuti at pagpo-promote ng kani-kanilang produkto sa merkado.

Makikita sa Exhibit ang ibat-ibang mga produkto ng Dagupan tulad ng Dagupan bangus, macapuno pastillas, bibingka, lapu-lapu, bagoong, bottled bangus, ham, ice cream, at marami pang iba. (dzrd newscenter)

 

Speak Your Mind

*