Solidarity Parade, tampok sa pagdiriwang ng Agew na Dagupan

Ipinagdirawang ngayon ng lungsod ng Dagupan ang ika-anim napu’tlimang taong selebrasyon ng “Agew na Dagupan” na itinuturing na pinaka-mahalagang okasyon.

Pormal ng pinasimulan ang Jubilee Anniversary ng lungsod nitong ika-labing dalawa ng hunyo kasabay sa pagdariwang ng Araw ng Kalayaan na pinangunahan ni Mayor Benjamin Lim sa Dagupan City National High School.

Inilahad ni Ana Velasco ang Dagupan City Information Officer, ang mga aktibidad na una ng isinagawa kasama na ang Job’s Fair na ginanap sa Nepo Mall noong Hunyo 12 at ang kasalukayang Seach for the Happiest Dagupeno na magtatapos ngayong araw Hunyo 15.

Idinagdag pa ni Velasco ang ibat-ibang aktibidad na nakahanay sa pagdiriwang kabilang na ang Oath Taking ng mapipiling Youth Leaders na maglilingkod sa siyudad bilang Mayor hanggang Barangay Official sa Hunyo dise-otso.

Nakapaloob din sa okasyon ang Ceremonial MOA Signing na may kaugnayan sa Campaign Against Illegal Drug at ang Awarding of Oldest Dagupeno, Happiest Dagupeno at Outstanding Dagupenos

Kasabay nito, inanyayahan ni Velasco ang mga Dagupeno na makilahok at makiisa sa “Solidarity Parade” kasama ang mga iba’t ibang sector ng siyudad upang mas maipakita ang pagkakaisa at pagmamahal sa lungsod ng Dagupan. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*