Special Recruitment Activity, isasagawa ng PESO-Pangasinan sa Lunes

Magsasagawa ng Special Recruitment Activity ang Provincial Employment Service Office (PESO) ng Pangasinan sa darating na araw ng Lunes, June 25, simula sa oras ng alas otso ng umaga.

Ayon kay PESO Officer Alex Ferrer, lahat ng mga interesadong maging factory workers sa bansang Taiwan ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon at mga kaukulang dokumento.

Tinatanggap ang mga lalaki na may edad 20-35 anyos at 20-28 yrs old naman sa babae, at least college level at kahit walang work experience.

Ang mga aplikante ay kailangang dumalo sa nakatakdang araw ng recruitment na isasagawa sa PESO Office, Ground Floor, Kalantiao Bldg., Capitol Compound sa bayan ng Lingayen, Pangasinan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*