Supply ng bigas sa Western Pangasina, sapat pa hanggang sa buwan ng Agusto

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat pa ang supply ng bigas sa Western Pangasinan hanggang sa buwan ng Agusto.

Ayon kay Assistant Manager Julieta B. Orias ng NFA Western Pangasinan, sa ngayon may 225,300 na kaban ng bigas na nakaimbak na tatagal pa ng hanggang labing pitong araw.

Kasabay nito, hindi naman nababahala si Orias sa labing pitong araw dahil may mga commercial supplies at household stocks naman aniya na kung susumain ay aabot pa sa pangangailangan ng Western Pangasinan hanggang buwan ng Agusto ngayon taon.

Bukod dito, patuloy din aniya ang pagdating ng bigas mula sa ibang bansa dahil patuloy pa ring importasyon.

Sa kabilang dako, handa na umano ang NFA na pumasok sa kasunduan sa mga Local Government Unit upang ialok ang Rice Loan Program para sa mga relief goods na kung saan, P1300 ang kada sako ng bigas pero maaring P1250 kung ito ay cash on delivery (COD). (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*