6th District BM Shahani, posibleng patawan ng disciplinary action

Posibleng patawan ng disciplinary action si Pangasinan 6th District Board Member Ranjit Shahani ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa iresponsableng public statements nito sa media na sumisira sa integridad ni Gov. Amado T. Espino, Jr. at mga miembro ng Provincial Board.

Nabatid na ikinadismaya ng buong Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Gov. Ferdinand Calimlim Jr ang “dishonorable conduct” na ipinakita ni Shahani matapos itong sabihin na “corrupt si Governor Espino.”

Mariin ding kinondena ni Bm Von Mark Mendoza ang naging pahayag ni Shahani na umanong ‘lapdogs’ o aso-aso lang sila ng gobernador.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng ethics committee sa pamumuno ni Bm Alfonso Bince kung paano ang disciplinary action na ipapataw nila kay Shahani. (Roger Codnita – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*