Calasiao Children’s Choir, muling sasabak sa International Music Competition

Muling sasabak ang Calasiao Children’s Chorus ng lalawigan ng Pangasinan sa 1st Xinghai Prize-International Choir Championships isang International Music Competition sa Guangzhou, China sa November 8-14, 2012.

Ang nasabing Children’s Choir ay binubuo ng tatlumpung kabataan na may edad 7-16 kung saan sila ang tinanghal bilang kampeon sa 1st Korean International Open Choir Competition (Folklore Category) na ginanap sa bansang Korea noong 2009.

Inihayag ni Gilbert Allan Dispo, ang Choir Director ng nasabing grupo, na pang siyam na ang Calasiao Children’s Chorus sa ranking ng mahigit isang libong choir sa buong mundo.

Ayon pa sa Choir Director, anim na buwan ang kailangang pagdaanan ng choir group bilang basic requirement sa bawat group singer upang malinang ang kanilang vocal at harmonic skills.

Pinaghahandaan na rin ng nasabing choir group ang gagawing performance para sa prestihiyosong ‘Distinguished Concerts International’ sa New York na gaganapin sa January 2013.

Samantala, nanawagan naman si Governor Amado T. Espino, Jr. sa ibat ibang entities at organisasyon sa lalawigan na suportahan ang Calasiao Children’s Chorus upang maipagpatuloy ang layunin ng probinsya na maipakita sa buong mundo na ang Pangasinan ay kikilalanin bilang “melting pot of various talents.” (dzrd news)

Speak Your Mind

*