Dependents ng mga OFW’S, maaari pang mag-apply sa scholarship program ng OWWA Region 1

Maaari pang mag-apply ang mga dependents ng Overseas Filipino Workers (OFW) para sa scholarship para sa School Year 2013 sa tanggapan Ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Welfare Office-1 hanggang August 31 ngayong taon.

Ayon kay Rhoda Lee, ang OWWA-1 Officer-in-Charge, ang Education for Development Scholarship Program (EDSP) ng OWWA ay isang paraan upang maisulong at maibigay ang mga welfare services para sa mga OFW Clients at ng kanilang mga pamilya.

Ang nasabing scholarship ay bukas para sa lahat ng dependents ng mga OFWS na may aktibong OWWA Membership na gustong kumuha ng apat hanggang limang taong kurso sa lahat ng ched-accredited institutions sa bansa.

Ang mga aplikante ay kailangang incoming freshmen college, na kasalukuyang naka-enrol bilang fourth year high school o high school graduate na hindi pa kumuha ng anumang kurso sa kolehiyo. (dzrd news)

Speak Your Mind

*