Feeding Program, patuloy na isinasagawa ng PNP Region 1.

Muling nagsagawa ng feeding program para sa mga day care pupils ang Police Regional Office 1 (PRO1) sa pamumuno ni Regional Director Chief Superintendent Franklin Jesus B. Bucayu.

Ito ay bilang bahagi sa mga nakalinyang aktibidad sa pagdiriwang ng Police Community Relations Month ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Police Senior Superintendent Reynante G. Partible, ang hepe ng Police Community Relations Division, nabiyayaan ang mga mag-aaral ng Parian Day Care Center sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Una nang isinagawa ang feeding program sa PRO1 Day Care Center kaugnay sa Nutrition Month Celebration.

Isa umano itong paraan para maitatag ang community ministry at outreach program, at isa itong angkop na lugar at pagkakataon na maipakita sa mga kabataan sa kanilang murang edad na ang mga pulis ay pwede ring maging kaibigan. (dzrd news)

Speak Your Mind

*