Konstruksyon ng Hundred Islands Convention Center, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang konstruksyon ng Hundred Islands Convention Center sa Brgy Lucap sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.

Ayon kay Engr. Ismael Najera, ang General Services Officer at City Engineer ng lungsod, isa ito sa mga malaking proyekto ng Administrasyong Mayor Hernani Braganza at inaasahang matatapos ito bago magtapos ang taong 2012.

Nakikita ni Najera na lalo pang mas maraming maaakit na turista ang magtutungo sa tampok na Hundred Islands at makukumbinse ang mga malalaking samahan o grupo na dito isasagawa ang kanilang mga convention.

Ito umano ang pinakamalaking Convention Center sa Alaminos na may kapasidad na pitong daan hanggang isang libong katao, na may kaakibat na hotel, restaurant at iba pang pasilidad na tutugon sa pangangailangan ng mga turista lalo na sa mga naghahanap ng world-class na serbisyo. (dzrd news)

Speak Your Mind

*