Mosquito fish, kinokonsidera ng DOH Region 1 bilang pagsugpo sa dengue

Ikinukonsidera na ng Department of Health o DOH 1 Regional Office ang larvae eating fish o mas kilalang mosquito fish bilang pagsugpo sa nakamamatay ng sakit na dengue.

Sinabi ni DOH Region 1 Director Dr. Myrna Cabotaje, magandang hakbang ang pagpaparami ng larvae eating fish at paglalagay sa mga tubig na may kiti-kiti dahil ang mosquito fish ang kakain dito.

Matatandaang matagal ng ini-introduce ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mosquito fish at muling binuhay nang muling pumasok ang tag ulan kung saan inaasahang dadami na naman ang kaso ng dengue.

Idinagdag naman ni Cabotaje, na maraming pamamaraan ang ginagawa ng ahensya para masugpo ang pagdami ng kaso ng dengue isa na rito ang pagpapalawig ng search and destroy sa mga pinamumugaran ng mga lamok. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*