NFA Western Pangasinan, tiniyak ang supply ng bigas ngayong lean months

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) Western Pangasinan na may sapat na suplay ng bigas sa pagpasok ng lean months.

Sinabi ni Beverly Peralta, ang NFA Manager sa Western Pangasinan na nakahanda ang ahensya sa pagpasok ng Lean Months kung saan may stock 240,000 sako ng bigasĀ  at mayroon pang bibilhing 40,000 palay na maaring tumagal hanggang sa susunod na taon.

Kasabay nito, siniguro ni Peralta na hindi nagbabago ang presyo ng NFA rice na nasa 27-pesos pa rin ang per kilo sa mga pamilihan.

Kasabay nito, nakahanda naman umano ang NFA sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan lalo na kung may tatamang kalamidad sa lalawigan sa relief operation ng para sa supply ng bigas. (dzrd news)

Speak Your Mind

*