Pagbakante sa lahat ng Committee Chairmanship Seats sa sangguniang panlungsod ng Dagupan, idineklara

Idineklara sa pamamagitan ng special motion ng Sangguaniang Panlungsod ng Dagupan na bakantehin ang lahat ng Committee Chairmanship Seats nito.

Pinaboran ng labin isang konsehal ng syudad ang special motion ni Coun. Red Erfe-Mejia sa isinagawang regular session.

Ayon kay Erfe-Mejia, halos dalawang magkasunod na taon na nadelay ang City Annual Budget at wala pa umano siyang nakitang malinaw na legislative agenda at sa halip ay puro political agenda ng mga iilan ang ginagamit ng sangguniang panlungsod.

Ang speacial motion ng konsehal ay para umano sa kabutihan ng konseho upang maghilom na ang sugat na dulot ng mga political affiliations. (dzrd news)

Speak Your Mind

*