Pagkakaroon ng sariling brand ng Dagupan Bangus, uumpisahan na

Inumpisahan na ng lungsod ng Dagupan sa pag-classify ng Dagupan Bangus mula sa mga bangus na pumapasok sa lungsod.

Ayon kay Mayor Benjie Lim, dapat umanong ma-categorize ang bangus ng dagupan upang makapagbigay ng mas magandang presyo dito.

Dagdag pa ni Lim, kapag nagkaroon ng fish kill, ay hindi na apektado ang syudad dahil nabigyan na ng sariling brand ang dagupan bangus.

Paliwanag pa ni Lim na sigurado itong makapagbigay ng malaking kalakalan sa ibang bansa dahil kilala na ang dagupan bangus sa masarap na lasa nito.

Mahalaga rin na nagkaroon na ng label ang dagupan bangus lalo’t mag-uumpisa na ang operasyon ng Fish Processing Plant sa Bonuan Binloc. (dzrd news)

Speak Your Mind

*