Paglaban sa iligal na droga, seryosong isusulong sa Dagupan City

Mariing ipinahayag ni Dagupan City Mayor Benjie Lim ang kanyang seryosong paglaban sa iligal na droga sa isinagawang symposium na ginanap sa Judge Jose de Venecia Memorial High School sa barangay Bolosan, Dagupan City.

Naniniwala si Mayor Lim sa ‘multiplier effect’ na kung may bibili ng droga ay mas marami ding magkaka-interes na magbebenta ng iligal na droga.

Kasabay nito, pinayuhan ni Mayor Lim ang lahat ng mag-aaral sa nasabing paaralan na makibahagi sa kampanya ng lungsod laban sa iligal na droga.

Ang kampanya ng lungsod na “zero demand program: making Dagupan a drug-free city”, ay pinapangunahan ni Councilor Red Erfe-Mejia, Chairman ng Dangerous Drugs Committee sa Sangguniang Panlungsod (SP). (dzrd news)

Speak Your Mind

*