Paglalagay ng Pipeline patungong Hundred Islands, sisimulan na

Malapit nang simulan ang paglalagay ng isang Pipeline mula sa mainland ng lungsod ng Alaminos, Pangasinan hanggang sa Hundred Islands National Park upang mas madali na makakuha ang mga turista at negosyante ng malinis at sapat na supply ng inuming tubig.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng labindalawang milyong piso, na hatid ng Tourism Infrastucture and Entreprise Zone Authority (TIEZA) at ng City Government sa pamumuno ni Mayor Hernani Braganza.

Naglaan ng sampung milyong piso ang TIEZA habang dalawang milyong piso naman bilang counterpart fund ang lungsod.

Inaasahang magiging daan ang nasabing proyekto upang mas lalong tangkilikin ng mga turista ang Hundred Islands National Park. (dzrd news)

Speak Your Mind

*