Pinakamalaking sports event ng Luzon, isasagawa sa Pangasinan

Matapos ang matagumpay na Palarong Pambansa 2012 na ginanap dito sa lalawigan ng Pangasinan muling isasagawa ang isa sa mga pinakamalaking sports event ng Luzon.

Pinirmahan na ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine sPorts Commission sa pangunguna ni Sports Commissioner Jose Luis Gomez at ng Provincial Government ng Pangasinan sa pangunguna ni Gov. Amado T. Espno Jr.

Isasagawa ang batang Pinoy Northern Luzon Qualifying Leg sa darating na Oktubre 24 – 27 ngayong taon na gaganapin sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Lalahukan ito ng mga atletang manggagaling dito sa Rehiyong 1, Rehiyon 3, Rehiyon 3 at Cordillera Administrative Region.

Samantala, Nais umanong ma-duplicate ng lungsod ng Marikina ang hosting strategy ng Pangasinan na naging benchmark ito sa buong bansa matapos ang matagumpay na pag-host nito sa Palarong Pambansa.

Ayon kay Chief Administrative Officer ng Marikina City Dr. Angelito llabes, na bumisita noong biyernes dito sa lalawigan, hangad uli ng Marikina na makasali sa bidding sa susunod na palaro. (dzrd news)

Speak Your Mind

*