PNP Region 1 Director Bucayu, hindi makikialam sa pulitika sa Pangasinan

Tiniyak ng pamunuan ng pulisya sa Rehiyon Uno na hindi sila makikialam sa pulitika kaugnay sa kinakaharap ng pagtatalaga ng bagong liderato ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa panayam ng sonshineradio, inihayag ni PNP Region 1 Director P/Chief Superintendent Franklin Jesus Bucayu, maglalaan ng isang linggo ang kapulisan bago ilabas ang desisyon patukol sa sitwasyon sa liderato ng kapulisan sa Pangasinan.

Matatandaang hayagang tinututulan ni Pangasinan Governor Amado T. Espino Jr. ang pagtatalaga kay P/Supt Sonny Verzosa, ang kasalukuyang Intelligence Officer ng PNP Regional 1 sa bakanteng posisyon ng PNP Provincial Director.

Ipinaliwanag pa ni Bucayu na si Verzosa na lamang ang natitirang tatlong pinapipiliang Senior Officer na angkop na posisyong Provincial Director ngunit ang dalawa nito ay napromote na sa ibat ibang posisyon. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*