Red Pacu Fish, sulusyon ng BFAR sa bumabarang ilog sa Pangasinan

Isinusulong ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dagupan ang pagpaparami sa isdang red pacu o fresh water pampano na siyang kumakain sa water hyacinth.

Una rito ang water hyacinth ang isa sa pangunahing dahilan ng pagbara sa mga ilog at nakakadagdag sa problema ng baha sa Pangasinan.

Ayon kay Angelica Manantan, research Assistance ng BFAR-Dagupan, kayang ubusin ng isang pampano ang dalawa hanggang limang gramo ng water hyacinth sa loob ng dalawang araw.

Malaki aniya ang maitutulong ng red pacu upang maibsan o mawala ang mga halamang bumabara sa mga ilog dahil sadyang matakaw itong kumain ng water hyacinth. (dzrd news)

Speak Your Mind

*