Regular Session ng sangguniang panlungsod ng Dagupan, uumpisahan na ng mas maaga

Sisimulan na ngayong araw ng lunes, July 23 ang alas dos ng hapon na pag-uumpisa ng session ng sangguniang panlungsod ng Dagupan

Naging epektibo ito sa bisa ng Resolution No.  R-4954 na inihain ni Councilor John Chester Gonzales na inaprubahan ng konseho bilang pag-amyenda sa Section 29 sa bagong House Rules kung saan mula sa alas kwatro na pag-uumpisa ng session ay ginawa ito nang mas maaga sa alas dos ng hapon.

Ayon kay Gonzales, binigyan nila ng konsiderasyon ang mga manggagawa ng sangguniang panlungsod na makauwi ng alas singko ng hapon dahil kalimitan ay ine-extend ang sanggunian ang kanilang session lalo na kung may importanteng pinag-uusapan

Sinabi rin ni Councilor Red Erfe Mejia na binibigyan ng sapat na oras na makadalo sa plenary meetings ang mga mambabatas at upang maiwasan din ang ma-late sa session. (dzrd news)

Speak Your Mind

*