Safety measures kaugnay sa tsunami, isinagawa sa Dagupan

Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay at workshop ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaakikabat ang City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) ng lungsod ng Dagupan.

Ito ay kaugnay sa safety measures na ipapatupad kapag tumama ang tsunami sa syudad.

Tampok sa isinagawang pagsasanay ang pagtatatag ng Cost-Effective Local Tsunami Early Warning System para sa mga ilang high-risk coastal communities ng Dagupan.

Samantala, ang nasabing workshop ay dinaluhan ng mga barangay at community leaders mula sa mga coastal villages ng syudad na ginanap sa West Central Elementary School’s BSL Hall.

Ayon kay Science Research Specialist-I Joan C. Salcedo, kung titingnan ang lokasyon ng Pilipinas, halos lahat ng mga coastal areas ay may posibilidad na magkaroon ng tsunami.

Layunin ng nasabing pagsasanay na malaman ang mga panganib na dulot ng paglindol at tsunami sa mga lugar na maaaring tamaan nito. (dzrd news)

Speak Your Mind

*