San Fernando City Bypass Road Widening, ng DPWH-Region 1, makukumpleto na

Halos makukumpleto na ang ginagawa ng Department of Public Work and Hi-way (DPWH)-Region One na Road Widening ng San Fernando-Bypass Road sa lalawigan ng La Union.

Ayon kay DPWH District Engr. Elpidio C. Paragas ang naturang daan ang ginagamit na alternatibong daan sa San Fernando City sa ma-trapik na Maharlika Highway papasok ng City Proper.

Sinabi naman ni Paragas na inaasahan nilang matatapos ang nasabing proyekto sa Setyembre 26, kung saan sinimulan pa nila ito noong Enero 19 ngayong taon.

Ipinaliwanag pa ng DPWH na mas maaga sanang matatapos ang proyekto kung hindi umulan noong nakaraang buwan ng Hunyo.

Inaasahan namang makapagbibigay ito ng kaginhawaan para sa mga motorista lalo na sa mga paakyat ng Baguio, papuntang Maynila at Ilocos. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*