National Blood Donors Month ng Red Cross Pangasinan, pinangunahan ni PRC Chairman Gordon

Pormal nang binuksan ng Red Cross-Pangasinan Chapter ang selebrasyon ng National Blood Donors Month.

Pinangunahan ni National Chairman Richard Gordon ang isinagawang ground breaking ceremony sa itinayong Red Cross Pangasinan Chapter Warehouse na matatagpuan sa Brgy. Herrero-Perez sa lungsod ng Dagupan.

Kasabay nito, inilunsad din ang “Red Cross 143 Volunteer Program” upang patuloy at ma-develop ang mas marami pang volunteers na nakaantabay bilang bahagi na rin ng Disaster Preparedness at Community Capacity Building Programs.

Layunin ng Red Cross 143 na makapag-recruit ng apat na pu’t apat na mga volunteers sa bawat barangay, kung saan 1 ang pinuno, na may 43 na miembro nito na magsisilbing nakaantabay na humanitarian arm lalo na sa panahon ng kalamidad.

Magsisilbi ring walking blood donors ang mga Red Cross 143 upang matiyak ang sapat na supply, ligtas at de kalidad na dugo sa anumang oras na kailangan ito.

Ang moa signing kaugnay sa 143 program ay binubuo ng mga stakeholders tulad ng Urdaneta City University, University of Luzon, City Division of San Carlos, Spectrum, Deltacom, Action Inc. at Phil. Guardians Brotherhood sa Pangasinan. (dzrd news)

Speak Your Mind

*