Selebrasyon ng Nutrisyon Month ngayong taon, pormal ng pinasimulan sa Dagupan

Pormal ng pinasimulan ang selebrasyon ng Nutrition Month ngayong taon sa Lucao Elementary School dito sa lungsod ng Dagupan.

Inihayag ni Diosdado Cayabyab, Education Program Supervisor ng Technology and Livelihood Education sa City Division Office na ang nutrition month ay sabay-sabay na ginawa sa tatlong lugar sa bansa na kinabibilangan ng dagupan, cebu at metro manila.

 Layunin umano ng Nutrition Month ngayong taon na bumuo ng kaalaman patungkol sa pagtatanim ng gulay sa paaralan, at ang pagkain ng gulay dahil sa temang “Pagkain ng Gulay Ugaliin, Araw-araw itong Ihain.”.

 Idinadag pa ni Cayabyab na nagkaroon din sila ng Ceremonial Vegetable Gardening sa eskwelahan at nagpamumud ng mga buto na itatanim ng mga mag-aaral sa kani-kanilang paaralan. (dzrd news)

 

Speak Your Mind

*