Sual Power Plant, nananatiling environment-friendly

Nananatiling environment-friendly ang Sual Power Plant ng lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng pagbuga nito ng usok at waste water.

Pinangangasiwaan ang nasabing coal-fired power plant ng Team Energy, ang Tokyo Electric Power Company at Marubeni Corporation kung saan sinisiguro nito na ang lahat ng mga ibinubuga mula sa planta ay nasasala at nabibigyan ng treatment bago sila ipalabas.

Ayon kay Training Manager Nicanor Ramos Jr., may mga environmental concerns na involved sa operasyon ng planta ngunit ito ay tinutugunan lahat ng management.

Sa katunayan, wala pa umano silang natatanggap na anumang negatibong pagpuna mula sa Department of Environment and Natural Resources.

Patunay din aniya dito ang ilan sa mga tubig na nanggagaling sa planta ay ginagamit din nilang pandilig sa mga pananim na nasa loob ng compound ng planta. (dzrd news)

Speak Your Mind

*