Supply na dugo sa Pangasinan, sumubra pa sa requirement ng DOH

Nananatiling sapat ang supply ng dugo dito sa lalawigan ng Pangasinan at sumubra pa umano ang required daily stock ng Philippine Red Cross.

Resulta umano ito ng patuloy na suporta at spirit of volunteerism ng mga Pangasinense.

Ayon kay Floramae Magalong, ang PRC Chapter Administrator, may 507 units ng dugo ang available ngayon sa PRC Dagupan Office, kung saan sumubra pa sa requirement ng department of health na 119 stock na supply ng dugo sa bawat araw.

Ayon sa DOH Requirement, dapat meron umanong 0.1% sa population ng probinsya para sa daily supply ng dugo at ito ay equivalent sa 44,000 bags kada taon. (dzrd news)

Speak Your Mind

*