21st North Luzon Business Area Conference sa Dagupan, kasado na

Kasado na ang nakatakdang 21st North Luzon Business Area Conference sa darating na Setyembre a-syete, na gaganapin sa CSI Mall, Lucao District Dagupan City.

Tatalakayin sa gagawing plenary sessions sa susunod na Martes ang ASEAN Integration na importante umano para sa mga negosyanteng gustong mag-import at mag-export.

Kabilang din sa pag-uusapan ang competitiveness sa pricing, product quality at craftsmanship. Kasama na ang iba pang isyu katulad ng climate change, energy, export development at human resources.

Samantala, magsisimula na ngayong darating na miyerkules ang isang linggong Trade Exhibit na pangunguhan ni Lelia Sy, ang presidente ng Metro-Dagupan Chamber of Commerce, sa CSI Mall Dagupan City. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*