7th La Union Surfing Break, kaabang-abang

Inilunsad ang ikapitong Surfing Break sa probinsya ng La Union kung saan libo libong katao ang inaasahang dadayo sa tanyag na Urbiztondo Beach sa bayan ng San Juan, La Union.

Ayon kay Provincial Information at Tourism Officer Adamor Dagang, ang naturang paglulunsad ay layuning matulungan ang mga surfers para sa ikakaunlad ng kanilang kasanayan sa surfing industry at kabuhayan din ng mga residente sa bayan ng San Juan.

Matutunghayan ang ibat ibang events kabilang na ang sand castle building, beach volleball, beach party at ang inaabangang surfing competition at surfing clinic.

Magsisimula ang event sa Octobre 26 at magtatapos sa Octobre 28 sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng La Union, Dept. of Tourism, at ang lokal na pamahalaan ng San Juan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*