Agew na Propesyonal, dinagsa ng mga Pangasinense

Daan-daang propesyunal mula sa ibat ibang bahagi ng Pangasinan ang dumagsa kahapon sa Narciso Ramos Sports and Civic Center GYM sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ito ay upang makapag-avail ang mga Pangasinense sa serbisyo ng Professional Regulatory Commission (PRC) sa isinagawang ‘Agew na Propesyunal’ ng Provincial Government ng Pangasinan.

Ayon kay Alex Ferrer, ang hepe ng Provincial Employment Services Office (PESO), ang “Agew na Propesyonal,” ay isang proyekto ng lokal na pamahalaan at ng PRC upang matulungan ang mga Pangasinense para sa mas madali at mas mabilis na access sa mga serbisyo ng nasabing ahensya.

Sinabi pa ni Ferrer na mas nakakatipid rito ang mga aplikante dahil hindi na sila kailangan pamg mag-byahe paakyat ng Bagiuo City kung saan matatagpuan ang tanggapan ng PRC, dahil sa mapapagitan nito ay pwede na silang makakuha ng mga dokumentong kailangan nila. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*