Business sector sa Pangasinan, target na makahikayat ng mga investors

Nakatakda sa darating na Setyembre 6-7, ang isasagawang 21st North Luzon Business Area Conference na layuning makahikayat ng mga investors upang mamuhunan dito sa Pangasinan.

Ayon kay Vicky Gaetos, Area Vice President  ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) – North Luzon, kinakailangan umanong mapansin ang mga negosyo dito sa lalawigan at gawing katakam-takam para sa mga investors

Ayon pa kay Gaetos, ang mga investors ay mas lalong napapansin ang South Luzon at maging ang mga foreign agencies ay nakikita ang Mindanao na dito mamuhunan ngunit ang North Luzon ay hindi gaanong napapansin ng mga mamumuhunan.

Ipinapayo pa ni Gaetos na dapat magkaroon ng harmonious relationship ang gobyerno at mga pribadong sektor para makahikayat ng mas maraming investors dito sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*