CDRRMC Dagupan, muling nagbabala sa mga residenteng malapit sa ilog

Muling nagbabala ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng Dagupan sa pagpasok ng bagyong Helen kung saan signal number 1 na ang Pangasinan.

Ayon sa advisory ng CDRRMC, makakaranas umano ng pagtaas ng tubig o high tide sa 0.87 meters ang lungsod.

Samantala, ang lebel ng tubig sa San Roque Dam ay nasa 280.88 meters above sea level at bukas pa rin ang isang gate nito ng isang metro.

Ang Sinocalan River naman ay nasa 6.44 meters water level at malapit nang aapaw dahil 6.5 meters ang critical level nito.

Pinapayuhan ang mga residenteng nasa malapit sa mga ilog na maging alerto at handa sa gagawing paglikas kung kinakailangan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*