Elimination rounds ng Batang Pinoy 2012, isasagawa sa Pangasinan

Nakatakdang isagawa sa sabado at linggo ang elimination rounds ng Batang Pinoy 2012 na gaganapin sa Narciso Ramos Sports And Civic Center sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Layunin nitong makapili ng pinakamagaling na atleta ng probinsya na isasabak para sa Regional Qualifying Elimination ng Batang Pinoy 2012 na gaganapin sa buwan ng Oktubre.

Kabilang sa mga sports events para sa Batang Pinoy 2012 ang arnis, archery, athletics, badminton, boxing, chess, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at karatedo.

Ang Northern Leg ng Batang Pinoy 2012 ay nakatakda sa Oktubre 10 hanggang 13 na lalahukan ng mga pinakamagagaling na atletang may edad labinlima pababa mula sa Regions I, II, III at Cordillera Administrative Region (CAR). (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*