“Home of Healthiest Filipino”, nais makamit ng Pangasinan

Suportado ni Gov. Amado T. Espino Jr ang ipinasang ordinansa ng Sanggunian Panlalawigan ng Pangasinan na sumusuporta sa implementasyon ng World Health Organization-Child Growth Standard (WHO-CGS) na makita ang nutritional status ng mga batang mag-aaral sa preschool at elementary.

Sa ilalim ng nasabing panukala, layunin nitong makamtan ng Pangasinan na maging “Home of Healthiest Filipinos” ang lalawigan.

Sa bisa ng Provincial Resolution No. 1367-2012 sa pangunguna ni Board Member Jeremy B. Rosario, ang Chairman of the Committee on Health, naipasa ang nasabing ordinansa sa pamumuno ni Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim.

Nakalinya nang ipatupad ang ibat ibang proyekto sa nasabing panukala, kasama na ang mga LGU’S, Department of Health, Department of Education, National Nutrition Council, DSWD at mga Barangay Councils.

Kabilang sa mga isasagawang aktibidad ang Orientation/Trainings at pagbibigay ng program logistics para sa mga Day Care Centers.

Ayon kay Vice Governor Calimlim, isang epektibong istratehiya na mamonitor ang paglaki ng mga batang mag-aaral at masigurong malusog ang mga ito sa pamamagitan ng assessment sa kanilang nutritional status. (dzrd news)

Speak Your Mind

*