Ilang mga stakeholders sa Rehiyon Uno, nagkaisa para makapagbigay ng mas magandang trabaho

Nagkaroon ng pagpupulong ang ilang mga stakeholders na pinangunahan ng Department of Labor and Employment Region 1, upang ilatag ang mga plano upang makabuo ng isang Regional Network of Guidance Counselors and Coaches (RNGCC).

Layunin nito na matulungan ang mas maraming mag-aaral na makakuha ng mas magandang trabaho.

Ayon sa National Statistics Office, may 7.2 percent ang walang trabaho at 18.8 percent ang underemployed graduates ngayong taon.

Dahil dito, nagkaisa ang mga kawani ng DEPED, CHED, TESDA, OWWA, POEA at Regional Tripartite Wages and Productivity Board, upang tugunan ang problema sa trabaho sa rehiyon.

Ayon kay DOLE Region 1 Information Officer Jeri dee Orate, isa ang career coaching na kanilang ipapatupad na nakikita ng grupo para maihanda ang mga mag-aaral bago sila makapagtapos sa pag-aaral upang makahanap ng angkop na trabaho para sa kanila. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*