Iminungkahing protocol kaugnay sa pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam, pag-aaralan ng SP

Pangungunahan ng Provincial Government ng Pangasinan ang pagsasagawa ng pag-aaral sa iminungkahing protocol ni dating Cong. Mark Cojuangco kaugnay sa pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam.

Ito ang naging resulta sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlalawigan na ginanap kahapon sa tanggapan ng San Roque Power Corporation sa bayan ng San Manuel Pangasinan kasabay ng ginawang paglilinaw sa isyung hindi pagtupad ng Napocor sa nasabing protocol ng San Roque Dam.

Matatandaang, hindi umano nasunod ang itinakdang protocol sa pagpapakawala ng tubig ng dam sa nakalipas na pagbuhos ng malakas na pag-ulan dala ng hanging habagat kayat marami na naman ang nalubog sa matinding pagbaha sa lalawigan ng Pangasinan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*