Kaso laban sa San Roque Dam noong nakaraang bagyong Pepeng, uusad na!

Nagpalabas na ng desisyon ang Regional Trial Court Branch 53 na ibasura ang apela ng San Roque Power Corporation (SRPC) at National Power Corporation (Napocor) kaugnay sa kasong pagpapakawala ng tubig noong nakaraang bagyong Pepeng.

Ayon kay Judge Teodorico Alfonso Bauzon, ng regional trial court branch 53, nadismiss ang motion for reconsideration ng SRPC at NAPOCOR dahil sa kakulangan ng merito sa mosyon ng dalawang ahensya.

 Ayon sa motion for reconsideration ng SRPC, wala umanong cause of action laban sa kompanya dahil hindi sila ang aktibong nangangasiwa sa flood control  ng tubig mula sa San Roque Dam.

Itinuturo naman ng SRPC ang Napocor ang siyang may deciding power kung kailan magpakawala ng tubig at kung gaano karami ng tubig ang pakakawalan.

Pero ayon kay Judge Bauzon, kapwa ang SRPC at NAPOCOR ay aktibong sangkot sa pangangasiwa ng dam. Kahit may instruction umano ang Napocor, ay nasa approval naman ng SRPC ang pagbubukas sa spillway ng gate ng naturang dam.

 Dahil sa pagkadismiss ng motion for reconsideration ng SRPC at Napocor, umaasa si Rosendo So ang Chairman ng Abono party-list at Director of Swine Development Council, na uusad na ang kaso laban sa mga ito.

Matatandaan naghain ng P12.9-million damage suit si Engr. So, ang may-ari ng Goldon Agritech Products, at P10-million damage suit naman ang inihain ni Roger Tan ang may-ari ng Anson Rice Mill sa bayan ng Rosales, laban sa dalawang kompanya noong August 2010. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*