Kauna-unahang drug counseling at prevention education center sa lungsod ng Dagupan, binuksan na.

Pormal nang binuksan sa publiko ni Dagupan City Mayor Benjie Lim ang kauna-unahang dalawang Training Centers, na matatagpuan sa A.B. Fernandez Avenue West, Poblacion Oeste.

Ang nasabing livelihood training center ay magbibigay ng Drug Counseling, at livelihood training para sa mga nagnanais magkaroon ng sariling hanapbuhay.

Ayon kay Lim, ang Reach Training Center na pamumunuan ni Lempton Agricola ay magbibigay ng Family Drug Counseling, Drug Prevention Education, After Care Program, Youth Group Sessions, Basic Computer Course, Career Builder Course, at Conversational English para sa mga kabataan na nagumon sa droga na nais magbagong buhay.

Ang Wellness Training Center naman ay magtuturo ng mga iba’t-ibang klase ng pagmamasahe na pwedeng pagkakitaan ng mga sasailalim sa pagsasanay, sa pamumuno ni Moises Biazon, isang Department of Health Licensed Massage Therapist at SPA Consultant.

Ayon kay Mayor Lim ito ay bahagi pa rin ng maigting na kampanya ng lungsod laban sa droga sa ilalim ng kanyang panunungkulan. (dzrd news)

Speak Your Mind

*