Magagandang gawa ni Robredo, nakatatak sa mga DILG official ng Pangasinan

Naka-half mast ngayon ang bandila sa Capitol Plaza ng Pangasinan bilang pagdadalamhati ng buong bansa sa pagpanaw ni DILG Sec. Jesse Robredo.

Ayon kay DILG Provincial Director Reggie Colisao, malaking kawalan sa kagawaran at sa bansa  ang pagkamatay ni Robredo.

Isa sa mga hindi makakalimutang programa ng kalihim ang Disaster Preparedness at ang ‘Seal of Good Housekeeping (Governance)’, isang mekanismo para masugpo ang korapsyon sa na pamahalaan.

Sinabi pa ni Colisao na gusto umano ni Robredo na maging transparent ang operasyon ng lahat ng mga LGU’S at mga ahensya ng gobyerno.

Ayon naman kay Roderick Dawis, ang DILG Director ng Dagupan City, palagi niyang naaalala ang mensahe ni Robredo na “bilang public servant, hindi lang sapat na mahusay ka, dapat tapat ka rin at dapat may balanse”. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*