Mandatory at compulsory drug testing sa mga empleyado ng Dagupan City, ipapatupad.

Pursigido umano si Mayor Benjie Lim na magpatupad ng mandatory at compulsory drug testing sa lahat ng kawani ng lungsod upang matiyak umano kung sino sa mga empleyado ng City Hall ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Dagupan City Administrator Vladimir Mata na sa koordinasyon ng City Health Office at City Human Resource Development ay magagawa ang mandadory drug test sa mga empleyado ng lungsod.

Kapag napatunayan aniya na nag positibo sila sa illegal na droga ay maari silang masibak sa puwesto at matutulungan din na sumailalim sa rehabilitation at counseling.

Matatandaan na una ng napatalsik sa serbisyo ng dalawang empleyado ng lungsod na nahuli sa aktong nagpapot-session habang naka-duty at magpositibo sa paggamit ng iligal na droga. (dzrd news)

Speak Your Mind

*