Mandatory Drug Testing, dapat ipatupad sa lahat ng empleyado ng Dagupan

Hinamon ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez si Mayor Benjie Lim na ipatupad ang resulosyon kaugnay sa pag-sasailalim sa mandatory drug testing ang lahat ng empleyado sa lungsod.

Ayon kay Fernandez, kailangang sumailalim sa mandatory drug testing ang mga department Head at mga kawani ng City Government upang masigurong nagagampanan parin ang tugkulin at hindi nahuhumaling sa illegal na droga.

Tiniyak ni Fernandez na maging siya ay nakahandang magpa drug test para patunayang siya ay drug free o hindi gumagamit ng illegal ng droga.

Dagdag pa ni Fernandez na dapat mapondohan ang Baranggay Anti-Illegal Drug upang maipatuad ng maayos ang kampanya ng barangay council laban sa illegal na droga. (dzrd news)

Speak Your Mind

*