Mga residente malapit sa Agno River, walang dapat ipangamba

Kakayahin umano ng Agno River sa lalawigan ng Pangasinan kahit doble pa sa 500cubic per second ang tubig na magmumula sa San Roque Power Corporation.

Tiniyak ni Tom Valdez, Vice President for Social Responsibility ng San Roque Dam na walang magiging epekto sa lalawigan ang pagpapakawala nila ng naturang volume ng tubig.

Una rito, nananatiling bukas ang dalawang gate ng San Roque Dam matapos umabot sa 283.5 ang water level kung saan ang water inflow ng dam ay umaabot din sa kaparehang 500cubic per second.

Idinagdag pa ni Valdez na wala ding dapat ipangamba ang publiko kung bakit brown na brown ang tubig na nagmumula sa San Roque Dam dahil normal lamang ito lalot patuloy ang nararanasang mga pag-ulan sa kabundukan. (dzrd news)

Speak Your Mind

*