Misa para kay Robredo, isinagawa din sa Pangasinan

Nakikisimpatiya ang mga Pangasinense sa pagkamatay ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na nasawi dahil sa pagbagsak ng sinakyang eroplano sa Masbate City noong sabado.

Nalungkot si Gov. Amado Espino, Jr. sa pagpanaw ng kalihim at sinasabing si Robredo ay simple at sinserong tao kung saan ang integridad at dedikasyon bilang public servant ay hindi matatawaran.

Ayon pa kay Espino, ipinakita ni Robredo ang kanyang personal concern para sa Pangasinan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya upang ipaalam ang mga major policy developments at pagbigay ng babala kaugnay sa pagtama ng kalamidad sa lalawigan.

Kaugnay nito, isinagawa kaninang alas otso ng umaga ang isang misa para sa yumaong kalihim na ginanap sa Provincial Training and Development Center sa bayan ng Lingayen, na pangungunahan ni Gov Espino at iba pang mga opisyal at kawani ng probinsya. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*